Dan da Balikbayan
Dumating si Dan sa Amerika sa tulong ng kanyang Kumpare na may kontak sa immigration sa
Pilipinas. Medyo tagilid ang mga papeles niya kaya masyado siyang maingat (TNT). Ayaw man
lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi kasama ang kanyang kumpare. E minsan, nagsawa na
ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya. "Pareng Dan," sabi ni kumpareng
tinatago ang inis, "Heto ang susi ng kotse at mga credit cards ko. Magshopping ka
naman sa Mall para malibang ka." "Kung may problema ka, tawagan mo ako sa
telepono. Papasok na ako sa opisina." Dahil siguro sa hiya ni Dan, kahit
nerbiyos na nerbiyos siya, sinubukan niyang lumabas.
Tuwang-tuwa si Dan sa pamamasyal sa mall. Nakapili siya ng mga damit na gusto niya.
Ngunit pagdating sa cashier, biglang nataranta at natakot si Dan. Tanong ng cashier,
"Visa or Master Card?" Haripas si Dan palabas dahit sa takot! "Aba,
hinahanap ang visa ko! Baka nabisto na ako! Syet!" Sakay kaagad siya sa kanyang
kotse.
Harurot. Kaso, halos wala ng gas ang sasakyan kaya huminto siya sa isang gas
station. Nang maglalagay na siya ng gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker,
"Sir, pay first, please." "Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers
ko!"
Nagtatakbo si Dan sa mga eski-eskinita hanggang makakita siya ng pay phone.
Patago-tago siyang lumapit sa payphone. "(Hingal) Kailangang matawagan ... ko si
kumpare...para masundo niya ako rito (hingal)." Pagtaas niya ng handle ng
telepono, narinig niya, "AT&T how may I help you?" "Aba, anak ng
putakteh, alam na TNT ako! Buking na ako!"
Pagbaba niya ng telepono, may Amerikanong nakatayo sa likod niya, tanong ba naman,
"Are you done?" Napahandusay si Dan sa phonebooth. Biglang bulalas, "Buray
kan ina!, alam pa ang pangalan ko!"
Nagulat ang tisoy, "Hey, be cool, man!"
"Naku! Alam pa kung taga saan ako!"
"Is that your green car parked in the red zone?"
Hihimatayin na si Danny Boy! "Hinahanapan pa ako ng
green card"!!!!!
Kaya sa matinding takot, nagpahuli na lang si Dan. Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at
binansagan na "Dan Balikbayan."