Walang Lang.... Valentines Lang
By e.1.i.T.e
Posted at the message board on 01/23/03 01:42:55 PM
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

eh ano nga ba ibig sabihin ng Valentines?....at san ba nangaling yan?...eto sabi sa history.......

Saint Valentine had been beheaded for helping young lovers marry against the wishes of the mad emperor Claudius. Before execution, Valentine himself had fallen in love with his jailer's daughter. He signed his final note to her, "From Your Valentine", a phrase that has lasted through the centuries, eventually the concept of celebrating true love became known as Valentine's Day.

so.....ayan alam nyo na san galing yan.....eh ano naman ibig sabihin nyan para sa mga tao na na-inlab sa net at sa totoong buhay? ( nde sa pelikula ha )

sabi ng iba, yan daw ay special na araw para sa mga nag iibigan, mga nag-mamahalan ng tapat, at maski na sa mga hindi seryoso, na palaro-laro lang sa chat room. ( wag nyo ko tignan ) ok...Focus ulit tayo sa topic......

Bulaklak,(wag plastic) tsokolate,(wag choc-nut) nood sine at kain sa labas ang mga usual suspects sa pag celebrate ng araw ng mga puso.........pero wag ka......meron dyan na mga maiitim ang mga balak.....kasing itim ng mga buto nila........yun bang....psst mamang taxi drayber.....doon tayo sa "biglang liko " ako na bahala sa tip mo.......asush...mah gudnis....gusto pa ata ng libreng pulbo at lotion.

Meron din nyan na iba naman ang trip.....naku kung makapag bihis...juice meeh, plantsadong planstado ang damit, naka pamada or gel pag medyo sosi, umaalingasaw sa pabango ng lolo niya......ano kamo tatak? BRUTE....para manly daw dating.....sows....baka manly-linlang....ang ganda ng arrive ng ugok na to kung titignan mo......eh tatlong piso lang pala asa bulsa.....

Eh syempre meron din yung mga tinatawag na "ANGAT sa LIPUNAN"....ibang klase naman mga happening nila......kung ano ang USO syempre yun dapat ang meron siya para sa kanyang mahal.....para pag nagtanong nga naman mga CONSTITUENTS or mga ka CHIKA BESO BESO ng damuhong ito.......sikat siya at may halo pang ngiting demonyo.

Valentines Day.....araw ng mga puso......(bakit nde apdo? or atay?) once a year kung mangyari, very special sa mga mag sing-irog......its a day na nagiging extra sweet sa mahal or sa gusto mahalin........sa mga magulang, sa kuya, ate, girlfriend, boyfriend at maski minsan...pati byenan....( teka muna iniisip ko pa sasabihin ko )

tik...tak....tik....tak....tik....tak.......makalipas ang sampung minuto...

so ayun nga........kailangan extra sweet ka......pakita mo na labs na labs mo si honey my labs to death ......pero paano yung ibang tao na asa net lang?......mga malayo sa isat-isa? paano na sila?...tama na ba yung typing typing lang...send ka ng offline message...or e-mail para lang mapadama mo na mahal mo yung tao?......gusto mong hawakan kamay at haplusin buhok di mo magawa......ipikit mo man mata mo at mag imagine....kasing tigas pa din ng keyboard mo yung balat.......halikan mo man monitor mo dahil naka cam to cam kayo.......malamig naman sa labi.........ibig bang sabihin noon eh.....hindi kasing tindi yung pagmamahalan nila kesa sa mga nagkikita at magkasama?........hmmmm? minsan sa tingin ko mas grabe pa nga sila......as in sobra sa pagmahahalan.....opinion ko ba yun? nde...obserbasyon ko lang.......eto dahilan kung bakit.....

*log in muna si lalake.....*hanap ko baby ko sa online.....*hmmm wala siya.......*hintay ng matagal
*knock knock knock ( tunog ng buddylist )
*silip si lalake sino dumating.............*ay baby ko andito naaaaaaaaaa ( ngiti from ear to ear )( mukhang gago )
*send ng PM......*bakit ngayon ka lang baby...... ( medyo inis )
*sagot si si babae.........*gosh i was stuck in traffic im tired no! ( drama epek para di pagalitan )
*its ok baby di naman matagal pag hintay ko eh ( aruu nde daw..... )

isa lang yan sa mga senaryo na nangyayari dito sa net......and im sure na nakaranas na kayo ng mga pag-ibig moments sa net.......mga tipong: mag oonline ka, tapos pag wala sa buddylist mo......naka simangot ka agad....
pag kausap mo naman at medyo matagal sumagot......tanong agad kung may ibang kausap......pag naka cam naman at panay ang ngiti......tanong agad kanino ka nag papa cute? Antok na antok ka na....ayaw mo pa mag sign-off kasi andito pa "baby" mo.......gutom ka na......sige lang.....bahala na magutom at manakit daliri kaka type maka usap mo lang.....

so ayan nga.......mga tao sa net....dahil sa di nila makita at makapaling ang mahal nila sa buhay....they put out more effort para padama nila na mahal nila yung tao.......di gaya ng iba na maski magkasama na sila.......parang baliwala kung ano man ginagawa ng partner nila sa buhay.......sigaw nga ng isang partner sa buhay......*what are you taking me for....granted?( hehehe ) pero nde naman lahat.....may mga tao din na masaya pagsasama.........so para sa mga tao sa net at mga tao na magkasama na at masaya pa din.......*bow ako sa inyo! *clap clap


Pero bat ganoon?....kailangan ba natin talaga ng Valentines Day para lang sabihin natin at ipadama sa isat-isa kung gaano natin kamahal ang tao? Yes it comes once a year.....and for many....its a special occasion.......how about the rest of the year.....do we go back to our usual self and wait for the next valentines day to be extra sweet?

kayo na po ang bahala............lahat ng sinulat ko dito ay opinion ko lang at obserbasyon.......magpalitan man tayo ng kuro-kuro at magtalo man tayo.........nasabi ko na gusto ko ( irap sabay fayfay )

bato bato sa langit.............

back to homepage o post your anecdotes/articles here