Tanong ko lang di ba
pwede magmahal ng taong may mahal nang iba lalo na kung sa net
mo lang na meet? Yung tipong mahal mo eh di ka naman mahal.
Iwasan mo kaw din masasaktan, lapitan mo kaw din iiyak. Minsan
antay ng antay d mo alam iniwan ka na pala at nag invisible pa
ha! Kala mo ksi mahal ka rin niya, too bad di pala kasi engot
pala mahal mo...........
Me mga taong mahirap kalimutan, madaling mahalin. Mahirap
umintindi, madaling kumalimot. Mahirap tanggihan, madaling
magsawa. Di ko alam kung isa nako dun or sino ako don, ksi di ko
alam kung ikaw ba yun!!!!!??????
Sabi nila ang I LOVE YOU, madaling sabihn lalo na dito sa net
kasi type mo lang naman ang I-L-O-V-E-Y-O-U di ba pero mahirap
gawin. Mahirap maramdaman at mahirap isipin. Bakit ako,
nahihirapan sabihn yon pero ginagawa ko na, pinaramdam ko na (manhid
ka lang talaga). Ikaw iniisip mo ba na mahal kita????!!!!......ha?????
Pag namatay ka mami-miss kita! Ako kaya pag namatay mami-miss
mo?! Bakit ganun? Kailangan pa bang madedbol ako bago lang
maisip na nakaka miss pala ako. Sana mamatay na nga ako para
ma-miss mo ko or kaya di na ko mag online or mag email sayo.....
hmmm...... para namang kaya kong pigilin ang sarili ko noh......hehehhehe!!
Sabi mo saken, "hayaan mo mahal ka rin nun" , sabi mo
"tanga" kasi siya di ka nya pinapansin na kayo talaga
para sa isa't-isa, " tanga" talaga kasi di mo alam kaw
na yong mahal ko! Kung sabhin ko kaya na ikaw yun, makaimik ka
kya?! Tanga rin naman ako kasi kasama sa minahal ko ang
katangahan mo.
Sabi nila maswerte daw ako dahil lahat nasaken na. Pero di nila
alam ang ang malaking kulang sa buhay ko ay ikaw sa totoo lang,
di ko na kailangan ng sobra sa buhay ko...... ikaw???lang tama
na...... ohh diba???
Pag in love.... masaya pag lagi siyang nandito at naka online sa
messenger ko, pero pag biglaan kang iniwan, agos ang luha sa
mugtong mga mata, masasabi mo na lang sa screen ng computer
PESTE KA BAKIT NAPAKATANGA NAMAN NG MAHAL KO.
Sabi nila, "iwan mo na" sabi ko "ayoko" sabi
nla "tama na" sabi ko "ok lang" tanong nila
ulit ako "kaya ko pa raw ba?" naiyak ako ng sinabi ko
"mahal ko sya" , kaya kakayanin ko sabi pa nga ng iba
burahin mo na sa messenger mo ginawa ko nga kaya lang since
kabisado ko lahat ng sn nya at pati email address binalik ko
tanga ko rin no.... hehehhehe!!
Inisip ko, ang daya mo kasi nangako ka, di mo ko iiwan. Pero
minsan inisip ko kung ano mas madaya. Yung iwan mo ko ng walang
paalam at dedmahin na lang or ako ang mas madaya sa sarili ko
kasi kahit di mo ko pansinin eh ako pa rin ang nag send ng pm
sayo??? At kahit di mo man lang basahin ang email ko at wala man
lang pasalamat from you wala lang super send pa rin ako.
Alam mo kakainis na eh, actually ako ang tanga eh! Hindi ko
maiintindihan di mo na nga ako mahal at di na rin
pinahahalagahan andito pa rin ako ewan ko ba paki batukan na nga
ako.
Malungkot ka nag joke ako, tawa ka..... tawa din ako. May
problema ka.... joke ulit ako... tawa ka.... tawa ako....
magalit ka.... joke pa rin ako. Tawa ka.... tawa ko... sabihin
ko kaya na mahal kita. Kala mo joke... sige tumawa ka.... iiyak
na lang ako sa katangahan mo.
Alam mo nakakainis ka kasi lagi mo na lang me sinasaktan di ba
mahal mo sya? Lagi mo nalang yan cnasabi sa akin. Gusto mo ako
lagi makausap pero siya namn tlaga yung mahal mo. Nananadya ka
yata e....... kasi alam mong mahal kita pero bale wala lang ako
sa iyo.
Sorry kung mnsan, d kita pinapansinn.... pano ba naman....siya
na lang lagi nasa isip mo at ka pm mo kinukuwento mo pa
lambingan nyo.
Gusto mong pansinin kita pero di mo naman ako pinapansinin.
Npaka unfair mong magmahal. Oo marunong ako nun! Yun pong tanga
....na kahti masakit ang ginawa mo sa kin.... ayos lang yun ksi
mahal kita at lahat ay gagawn ko pra sa yo.
Balita ko mahal mo pa siya..... ouch...... ang sakit. ....sorry
ha! Mhal ksi kita eh!
Basta pag yaw na niya sa iyo sabihin mo lang. Kahit masaktan ako
wag lang ikaw. Masakit magmahal, lalo na kung iiwan ka lang niya.
Pero lam mo.....may mas masakit pa dun..... pag iniwan ka nya.
Sabay sabi nya sa iyo "akala ko kc mhal kta eh!"
Sa buhay ko, meron akong minahal, merong minamahal at cguro may
mamahalin pa.....alam mo kung saan ka dun? Kaw yung..... buhay
ko. Thank you..... tanong mo kung bkt?... Dahil tinanggap mo ko
at pina kita mo sa aking importante ako salamat kasi. Hinayaan
mo kong makilala kita...yun lang..... at napasaya mo nako ng
sobra.
Alam nyo friends......mahirap paglaban ang bagay na alam mong
talo ka. Wala ka magawa kundi tumahimik hanggang lumayo na lang
sayo ang taong pnkakamamahal mo. Dun mo maisip : "sana
pinaglaban ko sha." Minsan ang layo ng tingin mo.... ano ba
hinahanap mo? Yung tao bang nagmamahal sa iyo. Yan ang hirap sa
atin eh..... ang layo lagi ng tingin mo eh. Antagal ko na d2
laging wait kung kelan ka mag online or kelan mo ko pm (hoy
gising) pwede ba sa akin ka na lang tumingin.
Nabangga mo ko at pinansin dahil nag mamadali ka kaka habol sa
kanya dahil mahal na mahal mo siya. Sabi ko....."teka,
mahal dn nmn kta ah." Muntik ko na ipagtapat sayo ang
nararamdaman ko nung magka usap tayo. Muntik ko na sabihin na
mahal kita. Pero nung sasabhn ko na, bigla mong sinabi "mahal
ko talaga siya at ayoko ng iba."
Takot akong mawala ka..... di ko alam kung bakit. ....hindi
dahil sa hindi ako mabubuhay ng wala ka kundi takot ako dumating
ang araw na mahal pa rin kita kahit wala ka na mas masakit yun
ha. Im in love with you..... joke! Pero ang joke daw, half meant
more so d truth. Sana biruin mo din ako kahit minsan lang.. sana
sabihn mo, mahal mo din ako. Kumatok ka sa puso ko, sabi ko
"tuloy ka." Ngunit hindi nagtagal ay umalis ka at
kinuha mo ung susi. Tanong ko lang ha! Babalik ka pa ba? Hindi
kasi mabuksan ng iba eh! Mahirap umasa sa wala.... mahirap
magmahal sa taong may ibang mahal. Mahirap ipagtanggol ang taong
walang paki sa nararamdman mo, at higit sa lahat mahirap
masaktan ng wala kang karapatan.
Haaaay......... ang hirap magmahal! Actually masarap magmahal eh
kaya lang mahirap kung engot at tanga at higt sa lahat manhid
ang mamahalin mo lalo na dito sa net kasi pano mo ba
mapaparamdan na mahal mo sya??? Na kulang na lang yakapin mo na
tong PC pag nag online sya... wala lang share ko lang...trip ko
lang heheheh magulo ba??? Ako rin eh naguguluhan saka sinadya
kong magulo para maguluhan ka hehehehhe kung di ka talaga TANGA,
MANHID AT KUNG ANO ANO PA EH DI MAG REACT KA!!! Pero totoo naman
ang andito diba??? Kaya ikaw na babasa alam mo na kung SINO KA
di lahat yun ang usapan natin pero di ko pa rin kaya kasing
sabihin na MAHAL NA NGA KITA KAHIT DI PA TAYO KITA EH SINABI MO
MINSAN KAYA LANG TAKOT AKO ASK KUNG AS FRIENDS LANG BA OR
WHAT... WISHH KO LANG HMMM ........AY BAHALA NA!
- end -
_____________________________________
Other Featured Articles :