Ang Komperens at ang Chicken Alfredo
Isang araw, habang nasa loob ng Bath Cave ang mga superpekpek at
napag-usapan ng mga Superpekpek na sabihin na kay Contessa ang
kwento ng kanyang buhay. At sa miting na ginanap habang
nagluluto si Superpekpek Burag ng chicken alfredo. Binuksan nila
ang kanilang monitor at duon
pinanuod si Contessa, ang huli ay nagbubukas ng tindahan at
nakasuot lamang ng short na pula at puting sando at walang bra.
(uy seksi!)
Superpekpek Botchak: Sasabihin na ba natin kay Contessa ang
sikreto nya?! hmmm...feel ko ng sabihin eh! Ayaw ko ng ganito.
lagi na lang tayong sa panaginip sa dumadaan. Gusto kong maging
normal.
Superpekpek Budo: But if we tell her na her secret baka sya
ma-shock, mahimatay and then ma comatose.
Superpekpek Burag: Ang morbid mo naman Budo...napapayosi ako sa
yo eh! E.l.i.T.e.! paabot ng yosi ko!
Superpekpek LadyHawke: *kuha cellphone at nagtext*
Superpekpek Cezzy: Oo nga sabihin na natin ang sikreto nya para
maiwasan na nya ang lahat ng bawal.
Superpekpek Barag: Lahat ng bawal masarap... *sabay pasok sa YM
at join ng Masarap ang Bawal chatroom*
Superpekpek Cezzy: Hayok!!! Oo..lahat ng bawal masarap.. yummy!!
*tawa ng malakas sabay takbo sa tabi Barag at nakipag chat din*
Superpekpek Budo: I don't know if that is a good idea ha. Kasi
pag nalaman na ni Contessa ang secrets or history of her life
she would feel all the supernatural things na. Eh kawawa naman
her di ba?!
Superpekpek Burag: Ay Budo, tantanan mo pagi English at
nabuburaot ako! Ano na mga letse ang napag-usapan? Basta ako ,
go with the majority…whatever you guys decide…same thing
goes for me.. Ay puta! wala ng coke! E.l.i.T.e. bili kang coke *abot
pera kay E.l.i.T.e.*
Superpekpek Cezzy: English English ka din dyan...buset! Ibig
sabihin, ipapaalam na natin kay Contessa na pede rin tayong
maging human at hindi tayo purong kaluluwa lang?
Superpekpek Barag: Korek, dapat siguro ganun na lang para naman
makapag-party na din tayo. Akala ni Contessa eh guni-guni lang tayo.
Superpekpek Botchak: Hoy, LadyHawke! Putcha nasa meeting tayo
text ng text ang shet!
Superpekpek LadyHawke: Nakikinig naman ako noh... *pindot pindot
pa rin*
Superpekpek Budo: So what do we do guys? Sasabihin na natin?
Superpekpek Botchak: OO sabihin na natin sa kanya para matapos
ng lahat yung pagmumulto natin. Pero syempre di natin sasabihin
kay Contessa kung nasaan ang BathCave. Mamaya, tumambay pa yun
dito, mawawalan tayo ng privacy.
Superpekpek Barag: E pano natin sya mami-meet?
Superpekpek Cezzy: Saka pano ang bonding natish?! Hindish natish
sya sasama sa walks?!
Superpekpek Botchak: Kailangan makaisip tayo ng Gimik yung mga
ginagawa sa detective stories. Parang Charlie's Angels or
Mission Impossible. Yung me recorder? Or pede rin naman pasukin
na lang ang katawan ni Contessa ala Ghost pero violative naman
yun baka kasi di pa sya ready for
that particular task.
Superpekpek LadyHawke: *text ng text*
Superpekpek Barag, Cezzy, Budo & Burag: Pasukin na lang!!!
Superpekpek Botchak: Ok... papasukin na lang ang katawan ni
Contessa pag may nangangailangan ng tulong!
Superpekpek Barag: E pag human tayo san natin ilalagay yung mga
powers natin? Ibotelya kaya? Hmmm?
Superpekpek Budo: Why don't we lagay it na lang sa ring?
Superpekpek LadyHawke: Uy, para tayong Lords of Charings! That's
a good idea pero pano pag nawala yung singsing?!
Superpekpek Barag: Gagang bakla…Lord of the Rings! Charing ka
dyan! Kung mawala, eh di hanapin sa lost and found! Saka pede
naman nating tawagin ang powers eh. Kung makuha yung singsing
tawagin ang powers pero dapat ayusin ang mga commands. Ako na
mag-aayos ng commands mamaya pag tulog na kayo aayusin ko lahat
yan. Isulat nyo sa papel kung anong kulay ng gem stone ang gusto
nyo saka kung ano sasabihin nyo pag papakawalan ang powers nyo.
Superpekpek Burag: Gems stone ang gagamitin? O mga Yahoo! IDs na
lang?
Superpekpek Botchak: Gems para mas maganda. Akin Green!
Superpekpek Cezzy: Gems ka dyan! Ang korni mo! Tekaaaa...kelan
balak nyong sabihin kay Contessa? Putah, pag naging human ako
papasok ako showbiz! *sabay ayos ng hair*
Superpekpek Burag: Ambisyus...sino namang kukuha sa yo eh mukha
kang bilat! Basta, sa lalong madaling panahon masyadong marami
ng babaeng naapi. Di na tayo dapat maubusan ng oras. Kailangan
na din naman nating magtrabaho dahil naubos na yung pinadala ng
magulang ni Contessa.
Superpekpek LadyHawke: Burag pahinging mud pack.
Superpekpek Burag: Luto na ang Alfredo!!! Lafang na tayo tapos
maligo tapos mud pack! Amoy baktol na kayong lahat!Puta, ang
sarap ng luto ko! Shetttt!
Superpekpek Cezzy: Dalawin natin si Contessa pag nakaidlip sya,
dun natin sabihin.
Lumafang at lumamon ang mga Superpekpek at sarap na sarap sa
niluto ni Superpekpek Burag. Pagkatapos lumafang, nagsipagpaligo
ang mga Superpekpek at naglagay ng mud pack sa kanilang mga
mukha at pagkatapos ay namahinga na. Merong mga babae ang
kasalakuyang nangangailangan ng tulong
pero oras na ng pahinga ng mga Superpekpek kaya sorry na lang
sila. Better luck next time. Ng mga oras ding naman yun si E.l.i.T.e. ay tuwang tuwa dahil makapanonood na sya ng
telebisyon at ang paborito nyang mga soap opera.
Habang si Contessa ay nagsasara ng tindahan para makauwi na sya
ay biglang nagulat dahil meron na naman syang aral na natutunan
at ito ay: Ang niyog ay buhay. Naitanong nya sa sarili kung
bakit ang niyog ay buhay? Wala syang naisip isagot kaya itinuloy
na lang nya ang pagsasara ng
tindahan habang ang ama nyang si Mang Daboy ay kumakain ng isaw
sa tindahan nila Aling Kaka na syota ng bayan. Buhay nga ba ang
mga niyog na kinakayod ni Contessa o ibang buhay ang sinasabi sa
aral? Mas gusto nya ba ang manual na kayudan o ang de motor?
Naligo ba si Contessa?
Mga katanungang pilit na sasagutin sa pagbabalik ng The
adventures of Contessa and the Superpekpek Heroes (echo:
pekpekpekpekpekpekpekpekpekpek)...
-
END -
|