The Adventures of Super Pekpek Heroes
Contributed by BURAG
----------------------------------------------------------------------------------------------

 

Super Pekpek Chapter  #2 : Pektonia ba title nito burag??? - kurds :D



Hello mga hibangggggggggggggggggg!!! Andito na naman po ang pinagkaka-abangang serye sa 40+ (kafal kow...parang may fans eh!) ang...SUPERPEKPEK HEROESSSSSSS!

Pektonia

Napagkasunduan nga ng ating mga bida na sabihin na kay Contessa ang istorya ng kanyang buhay at para na rin sa pansariling kapakanan ng ating mga superheroes. Gusto nilang ma-experience maging tao. Habang si Contessa naman ay busy sa pagsakay sa kanyang kayudan, ang ating mga SuperPekPek ay nanduon sa BathCave at nagpapakasarap sa buhay. Well ganun talaga…di pa sya belong eh! Nag magkaroon ng pagkakataong magpahinga, nakaidlip si Contessa at sa panaginip dinalaw sya ng mga SuperPekPek.

SuperPekPek Burag: Tandaan... dahan-dahan lang ang pagsasabi dahil baka bangungutin si Contessa magkakandaletse letse pa tayo.

SuperPekPek Botchak: Sige. Kukuwentuhan muna si Contessa tapos saka sabihin ang kanyang tunay na pagkatao.
Kinalabit ng mga SuperPekPek si Contessa na tulog na tulog. Tumulo pa ang laway ng huli.. "Contessa! gising!! andito na kami!!" sabi ng mga SuperPekPek.

Contessa: Kanina pa ba kayo? Napasarap ako sa tulog *sabay punas ng laway*

SuperPekPek Barag: Oo kanina pa kami. Kanina pa agos ng agos ang laway mo!

SuperPekPek Budo: Yeah, that’s so yucky! Anyway, meron kaming sasabihin sayo… uhmm.. ah.. eh... kasi.... ganito yun Contessa.. *hinga malalim*

SuperPekPek Cezzy: HINDI KA TAO!

Contessa: *nagulat at napatayo* di ako tao?! Yeheeeeeey! sabi ko na nga ba isa akong Dyosa!!! *tumalon talon at nagpalakpak tenga*

SuperPekPek Burag: Tanga! Di ka Dyosa! ako ang Dyosa. Daldal ni Violet eh!

SuperPekPek Cezzy: Putah! Di Violet pangalan ko!! Ginagawa mo naman akong jorlogs Burag eh!! Cezzy noh! C-e-z... uhmm a, b, c *ginamit ang daliri* Ah basta Cezzy!!!

Contessa: Kung di ako tao.. di ako dyosa? Ano akooooo?! Fairy? *napraning*

SuperPekPek Botchak: Hindi ka Fairy! Me nakita ka bang pakpak sa likod mo!? Grabe naman ang kabobahan mo Contessa... *sabay tawa ng malakas*

Siniko ni SuperPekPek Burag si Botchak at nanahimik ito. Si SuperPekPek Marlyn_Oz and Budo naman ay naupo sa isang sulok at nag-usap tungkol sa buhay buhay nila.. syempre pa.. walang hanggang pagtetext si SuperPekPek Marlyn_Oz.

SuperPekPek Burag: Mabuti pa Contessa maupo ka muna. 'Tangna ka eh...pinatitingala mo pa ako!

Ang ibang SuperPekPek Heroes ay naupo pinalibutan si Contessa na para bang hahatawin ito. Ninerbyos ng husto si Contessa. Matagal na kasi nyang alam na di sya tunay na anak ni Mang Daboy pero ito ngayon at kaharap nya ang mga taong nakakaalam ng kanyang istorya. Sabik na sabik na syang marining ang kwento ng kanyang buhay.

SuperPekPek Burag: Kasi ganito yan, hindi Contessa ang tunay mong pangalan…

Contessa: Kung hindi Contessa... eh ano ang pangalan ko?

SuperPekPek Burag: *me tono ng pagkainis* Tangna, dadarating tayo jan! Wag mo ko istorbohin sa pagkukwento. O baka gusto mo ikaw na magkwento makikinig na lang kami. *irap kay Contessa* Hoy, mga kapwa SuperPekPek! Pag me nakalimutan akong sabihin kayo ng bahalang magdagdag ha! Saka pwede Contessa…pwedeh…patapusin mo muna ang kwento ko bago ka magsimula sa mga tanong mo. Kakasira ka ng momentum eh!

SuperPekPek Botchak: Gusto mo Burag, patahimikin ko ng tuluyan yan? *labas laser lipstick*

SuperPekPek Burag: Huwag muna!!! *hataw sa kamay ni Botchak* After na ng kwento ko. Anyway, balik sa kwento bago mo ako ininterrupt *tingin masama kay Contessa* Hindi Contessa ang tunay mong pangalan. Si Mang Daboy na ang nagbigay sayo nyan dahil ang tunay mong pangalan ay PROCOPIA. Yun lang…Procopia, prinsesa ng Pektonia. Pinganak ka through caesarian section kasi ayaw umire ng nanay mo. Ang iyong ina ay si AMORE. Matapang si Reyna Amore. Lahat ng gusto nya ay nasusunod dahil na rin siguro mahal na mahal sya ng iyong ama. Ang pangalan ng iyong ama ay Tulome. Pag binaligtad mo ay Metulo. Tsk tsk tsk, di kasi nag-iingat. Mahal na mahal ka nila Procopia kungdi nga lang dahil kay Tom Cipriano Labuyo ay di ka mawawalay sa kanila...

Di napigilan ni Contessa ang pagluha lalo na't ang pangit pala ng tunay nyang pangalan. Ayaw naman nyang punasan ang luha nya dahil mas maganda daw ang effect ng tumutulo lang...cinematic daw ang dating.

Contessa: Sino si Tom Cipriano Labuyo? *tulo pa rin ang luha sa mga pisngi*

SuperPekPek Burag: Sya ang nagtake over sa Planetang Pektonia. Ang laking lalaki siguro nyang si Cipriano dahil ang kanyang mga Robot na me hugis Etits ay malalaki! Pinapatay nya lahat ng mga tao sa Pektonia at kasama sa napatay ang iyong ama't ina. Wala pang nakakakita kay Cipriano kaya huwag mo kong tanungin kung ano itsura nya. Ang alam ko malaking boses na nakakatakot at parang lasing kung magsalita pero syempre di mo maaalis ang mga tsismax na nasagap namin bago ka sundan.

Contessa: Anong tsismax yun?

SuperPekPek Botchak: Na si Haring Cipriano daw ay maliit na tao lamang. Kung di sya gumamit ng malalaking Robot ay di sana nya makukuha ang Pektonia dahil paniguradong kayang kaya syang bugbugin ng Mahal na Reynang Amore.

SuperPekPek Burag: Alam mo ba Contessa na pagkatapos ng session nating ito ay mag-iiba na ang pakiramdam mo? Mararamdaman mo na ang lahat ng mga supernatural things na dapat mong maramdaman nuon pa. At kami ay magiging tunay na tao na. Yehey! Teka nga muna, yosi ako. Tuloy mo Botchak ang kwento. Gandahan mo ha kundi sisilyaban kita!

Tahimik na nakinig si Contessa sa kwento ni SuperPekPek Botchak habang ang ibang SuperPekPek ay nakaupo sa isang tabi at ang iba ay nag-yoyosi. Ang iba naman ay tumotoma habang ang ilan ay text pa rin ng text…Punyetah! Kinuwento ni SuperPekPek Botchak na nung sanggol pa lamang si Contessa, upang masagip sa paghuhurumentado ni tangnang Cipriano, inilagay sya sa isang condom at ibinala sa kanyon. Papunta sanang Mars ang sinabing condom ngunit sa Earth nga bumagsak dahil na rin sa pagkataranta ng Mahal na Hari. Ng malaman ng Mahal na Reyna ang nangyari, agad na pinatawag ang mga SuperPekPek Heroes upang sundan ang anak.

SuperPekPek Botchak: At ang paborito mong kulay ay itim. Ang paborito mong alaga ay…’nak ng tuta, kuting...

Contessa: Peach…peach ang favorite na kulay ko… *singhot*

SuperPekPek Botchak: Itim! *sabay laki ng mata* yan ang nakalagay sa record mo...

Contessa: Itim nga... *tulo ang sipon*

Biglang sumabat si Budo at nakakuha naman ng pagkatataong magpahinga ang ngawit ng ngala-ngala ni SuperPekPek Botchak kaya kumuha muna sya ng maiinom at nag-yosi habang si SuperPekPek Budo na ang tumitirada ng kwento.

SuperPekPek Budo: Ay yes! Kilala mo ba si Superman? He's the guy who's wearing a brief outside his pants. Ex ko yun eh! Anyway, just like him kasi meron ka ring weakness. Katapat ng kryptonite nya ay s-p-e-r-m! So everytime na malalapit ka sa substance na yan ay meron kang kakaibang mararamdaman! At simula ngayon you should take care of yourself always and forever kasi you'll be prone to certain situations na and you are obligated to serve humanity. Yung mga humans lang naman na feel naming tulungan so don’t worry. If we don't feel like helping anybody swerte mo kasi Rest day yun. Don't worry about anything we'll both learn as time passes by and by. Syempre magtutulungan tayo and for your information, magiging tao na kami after these so we don't have to visit you sa dreams. Pwera na lang kung emergency. *smile* uhmmm *isip* what else pa ba? Do you have questions pa ba?! Gosh.. I need to lubricate my contacts na masakit na my eyes... *kuha ng Renu at nagpatak*

Si Contessa ay nanahimik lang at iyak ng iyak. Sinabihan na syang tumahimik pero umiyak lalo ng mas malakas. Nang ambaan syang sasapakin ni SuperPekPek Burag ay nanahimik ng bigla ang lukaret. Ng wala ng maitanong si Contessa dahil binigyan na sya ng listahan ng mga bagay na dapat nyang malaman tulad ng paliligo at pagtututbras twing matatapos kumain at kung pano sya gagamitin ng mga SuperPekPek Heroes bilang instrumento. Handang-handa na ang ating mga bidang sugpuin ang kasamaan.

Nagising si Contessa dahil sa lakas ng kalabog ng mga niyog na dineliver ni Topeng. "Taena ka Topeng! Di mo ba nakikita natutulog ako!? Letse ka ah!" Sabi ng ating bida. "Letse ka din, nakanganga ka pa dyan! Hapon na. Dapat nga nagsasara ka na eh! Ang tatay mo nandun na naman kila Aling Kaka. Mukhang sila na ata ah" sambit naman ni Topeng sabay kindat na me kahulugan. "Gago! Di papatulan ng Daddy ko yun!! Me taste ang daddy ko!" sagot ni Contessa. "Ang taste ng daddy mo-- ISAW!" sabi ni Topeng sabay kiss sa pisngi ni Contessa "Uhmmm.. bango! Amoy Baygon... uhmmm kakagigil!!" dugtung pa nito. Kumuha ng itak si Contessa at hinabol si Topeng. Mabilis na tumakbo ang lalaki dahil ayaw nyang maputol ang kanyang buhok.. at b*ya*.

Aral na matutunan sa kwentong nasaad: Ang lalaking matulin tumakbo, mahaba ang buhay.

Sagot sa mga katanungan nung nakaraang episode: Buhay as in Life ang tinutukoy sa aral. At hindi buhay ang mga niyog na kinakayod ni Contessa. Ayon kay Contessa, mas gusto nya ang manual na kayudan. Dahil bata pa daw sya ay gusto nyang mangabayo kaya daw enjoy na enjoy sya pag kinakabayo nya ang kayudan at kumikita na din at the same time. Ayaw kumain ni Mimi dahil busog sya. Sino si Mimi? Care ko! *irap sabay fayfay* (courtesy of elite)

Instant Quiz: SINO ANG SUPERPEKPEK NA MAHILIG MAGTEXT?!?!?!
‘Tang na dapat alam mo kung sino kung hindi… eh di fine! Di mo alam! Shet! Kung alam mo naman, mag-respond ka dito, ungas! Ilagay ang iyong kasagutan, ang inyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang may-edad na 25-40 years old at may magandang hanapbuhay. Kung ikaw ang maswerteng magwawagi…Ibig sabihin, Nanalo ka!

ATSTAFLAKANGVATUH!!!

*salamat sa author ng SuperPekPek *


- END -

 

Other Featured Article :

o Wala Lang... Valentines Lang by e.1.i.t.e
o Panain SI Kupido Sa Pagitan ng Noo by BURAG
o Bahala Na.... by e.1.i.t.e
o Virtual Reality Part I by honey_ni_lovey
o Virtual Reality Part 2 by honey_ni_lovey
o 10 Facts About Men that Women Should know by juliande2000
o Superpekpek Series by burag

back to homepage